Pagbabalik ng mga visual aids sa mga classrooms, pag-aaralan ng DepEd

Tinitingnan ng Department of Education (DepEd) ang pagbabalik ng mga visual teaching aids sa mga classrooms ng mga mag-aaral.

Ayon kay DepEd Secretary Senador Sonny Angara, marami nagrerekomendang ibalik na ang naturang traditional learning materials.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Kaugnay nito, hihingi umano sila ng suhestyon at komento sa mga kinauukulan hinggil dito.

Plano rin ng ahensya na magsagawa ng survey sa mga regional offices.

Mababatid na ipinag-utos ni dating DepEd Secretary VP Sara Duterte ang pagtatanggal ng mga visual aids sa mga silid-aralan dahil nakadi-distract umano ito sa mga estudyante.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Binigyang-diin naman ni Angara na hindi magiging basta-basta ang pagpapatupad ng pagbabalik ng mga educational posters dahil umiiral pa rin ang polisiya ng dating kalihim ng ahensya.