Learning gap ng mga estudyante, dahil din sa job mismatch ng mga guro ayon sa EDCOM

Naniniwala ang 2nd Congressional Commission on Education Executive Director na si Karlo Mark Yee na malaking factor din sa learning gap ng mga estudyante sa bansa ang job mismatch ng mga guro.

Ayon kay Yee, meron silang datos na lumalabas na 50% ng mga science teacher sa high school ay hindi naman nagtapos ng kurso na related sa Science.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Kadalasan daw kasi sa job posting ng DepEd noon ay hindi naka specify kung anong klaseng guro ang hinahanap sa vacancy.

Tanging “teacher 1” o looking for “graduate of elementary/secondary education” lang ang nakalagay.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Kaya isa anya ito sa aayusin nila sa ilalim ng Cabinet Cluster for Education.

Nabatid na nasa 5.5 years ang learning gap o ang kulang sa natutunan ng bawat isang Pilipinong graduate sa Pilipinas.