Pagbabakuna sa lalawigan ng Camarines Norte tuloy- tuloy

CAMARINES NORTE- Tuloy- tuloy ang COVID- 19 vaccination sa lalawigan ng Camarines Norte sa iba’t- ibang priority group.

Kahapon muling umarangkada ang bakunahan para sa first dose at second dose ng Pfizer at Sinovac.

Hindi tulad noong mga naunang bakunahan na dagsa ang mga tao sa vaccination center, ngayon ay mas maluwag na.

Sa katunayan, hindi na gaanong marami ang nagpapabakuna sa hapon.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Patuloy naman ang panghihikayat ng Department of Health (DOH) sa publiko na magpabakuna kapag nakasama na sa priority at huwag nang pumili ng brand.

Marami pa rin kasi ang bagamat gustong magpabakuna ay mayroong brand preference.

Muli ring ipinaalala ng DOH ang maigting na pag- iingat dahil kahit bakunado na ay pwede pa rin itong tamaan ng COVID- 19.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang pinakalayunin naman talaga  umano ng pagbabakuna ay maiwasan ang pag develop ng severe at serious symptoms ng COVID- 19 at pagkaka ospital o kaya ay pagkamatay.

Sa ngayon mahigit 91, 200 na ang ang mga nabakunahan sa lalawigan o 15 porsiento pa lamang sa target na 440, 581.

Nasa 11 porsiento naman ang fully vaccinated na.