Kakulangan ng contact tracers, problema ngayon ng LGU- Bato sa lalawigan ng Catanduanes

BNFM BICOL—Inihayag ni Bato, Catanduanes Mayor Juan Rodulfo, na problema ngayon sakanilang bayan ang kakulangan ng mga contact tracers sa gitna ng nagpapatuloy na nararanasang COVID-19 surge sa islang lalawigan.

Ayon kay Rodulfo, tatlong contact tracers lamang ang nakatalaga sa 27 barangay ng kanilang bayan na idineploy ng DILG. Upang makadagdag sa man power, tumutulong na rin umano sa mga ito ang mga personahe ng barangay upang kahit papaano ay mapabilis ang identification at monitoring  sa mga closed contacts ng COVID-19 patients.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Sa ngayon, ay nakapagpadala na sila ng request sa DILG upang madagdagan ang mga contact tracers na idine-deploy sakanilang bayan lalo na at karamihan aniya sa mga tinatamaan ng COVID-19 sakanilang lugar. ay  nagta-trabaho at nahahawaan sa mga karatig na bayan.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Matatandaan na nitong nakaraang linggo, umarangkada na ang pagsasailalim sa training ng mga contact tracers na idine-deploy sa Catanduanes, sa pamamagitan ng Compentency Standards for Contact Tracing Level 2 ng TESDA.

Dahil sa naturang pagsasanay, inaasahan na mas magkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga contact tracers sa pagsasagawa ng profiling, contact identification, case investigation, monitoring at iba pa.###