Pagbabakuna sa 18 yrs.old and above nagsimula na sa Legazpi City

LEGAZPI-Kinumpirma ng Public Safety Office Legazpi na nagsimula na kahapon ang kanilang pagbabakuna sa mga edad 18 anyos  na residente matapos na buksan ng Department of Health Bicol ang Vaccination roll out sa general Public.

Ayon kay retired col. Rolly Esgerra, PSO Legazpi Head, kaninang alas nueve ng umaga nagsimula ang ikalawang araw ng pagbabakuna sa Legazpi city Convention Center ng bakunang Sinovac at Astrazanica kontra Covid-19.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Dagdag pa ni Esguerra, matapos ang pagbubukas ng pagbabakuna sa publiko, sa ilang brand ng Covid-19 Vaccine, tanging hinihingi na lamang nila ay identification Card at kung wala namn nito ay sertipikasyon sa barangay na sila ay residente o nagtatrabaho sa loob ng lungsod.

Samntalang binigyang diin rin nito ang iba pang bakuna tulad na lamang ng Pfizer na hinihingi papuntang ibang bansa, papairalin pa rin ang Priority Listing o first come first serve basis para makontrol ang tao sa pagdagsa.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Aminado kasi ito na may ilang brand ng bakuna na pinag-aagawan ng publiko.

Sa ngayon nanawagan na lamang si esguerra sa publiko na huwag nang mamili ng bakuna dahil pare-pareho lamang ito.

Sa ngayon umano kasi ay kailanagn proteksyunan na ang sarili sa nakakahawang sakit.