Pagbaba sa pwesto ni VP Duterte bilang DepEd Sec, hindi umano makakaabala sa paghahanda para sa nalalapit na pasukan

Binigyang-diin ni Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education, Chairperson, Senador Alan Cayetani na maraming mga propesyonal na indibidwal sa Department of Education (DepEd).

Kaugnay nito, ipinunto niyang hindi naman magiging abala ang pagkabakante ng posisyon sa DepEd sa ginagawang paghahanda sa nalalapit na pasukan.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ito ay alinsunod sa biglaang pagbaba sa pwesto ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng kagawaran at maging miyembro ng gabinete ng Pangulo.

Ngunit idiin niyang marapat lang na makahanap ng ‘perfect replacement’ ang administrasyon para rito.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Maalala, kamakailan ay lumabas na isa si Senador Sonny Angara sa pinagpipilian ng Pangulo para sa posisyon kasama sina Marikina Rep. Stella Quimbo at Trade Secretary Alfredo Pascual.