NPC member, Sen. Gatchalian – winelcome ang pag-alis kay Guo sa nasabing partido political

Naniniwala si Nationalist People’s Coalition (NPC) Advisory Council member, Senador Win Gatchalian na nilabag ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang core values ng ‘integrity’, ‘honesty’ at ‘patriotism’ ng Partido political.

Ito ay matapos ang naging pagkasangkot niya sa ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban, Tarlac bagamat iginiit ng alkalde ang tungkol dito.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Alinsunod nito, winelcome ni Gatchalian ang desisyong pagpapaalis sa alkalde sa nasabing partido.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Anya, mahihirapan ang mga miyembro nila ritong mamuno ng may integridad kung hindi nila madidisiplina ang isa mga rango nito.

Samantala, tiniyak naman niyang patuloy nilang sisiyasatin ang mga hindi tamang gawain sa gobyerno mula sa kanilang kasapi maging hindi.