Mahigit P14 bilyong pensyon sa mga retiradong sundalo, aprubado na ng DBM

Aprubado na ng Department of Budget and Mangement ang pagpapalabas ng P14.046 bilyon para sa pensyon ng mga retiradong sundalo.

Inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang kahilingan ng Department of National Defense na ipalabas ang pondo para sa July hanggang September pension ng mga retiradong sundalo.

Ayon kay Pangandaman ang go signal para sa pagpapalabas ng pondo ay bahagi ng pagkilala ng gobyerno sa serbisyo at sakripisyo ng mga sundalong nagserbisyo para sa bansa.

Ang naturang pondo ay kukunin sa Pensuon and Gratuity Fund sa ilalim ng 2024 national budget.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *