Pagbaba pa ng power rate sa CASURECO II, malaking kaginhawahan sa mga negosyante- MNCCI

NAGA CITY- Malaking bagay para sa mga negosyante na bumaba pa ang singil sa kuryente lalo na sa Camarines Sur II Electric Cooperative o CASURECO II.

Ito ay ayon kay Metro Naga Chamber of Commerce and Industry President Dr. Mario Villanueva. Sinabi nito sa Brigada News FM na pasalamat ang mga negosyante dahil mababawasan ang kanilang expenses lalo na ngayon na humihingi ng dagdag na sahod ang mga empleyado. Mababatid na noong bumabangon sa pandemya sumirit naman ang presyuhan per kilowatt hour na pumalo pa sa mahigit P17.00.

Sinabi naman sa Brigada News FM Naga ni CASURECO II Spokesperson Rinner Bucay na ang  P6.8851/kWh ay pinaka mababa sa Bicol Region.  Mahigit P10/kWh ang singil sa tatlo pang kooperatiba sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *