Pagbaba ng taripa – aprubado na

Inaprubahan ng NEDA board ang panukala ng Committee on Tariff and Related Matters o CTRM na ibaba sa 15% ang duty rate ng mga inaangkat na bigas mula sa kasalukuyang 35%.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na layon nitong mapababa ang presyo ng bigas sa bansa.

Kaya mula sa kasalukuyang 35% ibababa ito sa 15% sa parehong in at out quota.

Naniniwala si Balisacan na kapag sinamahan ang pagbaba sa taripa ng mga direct subsidies sa mga poor at vulnerable family, posibleng maabot ang 39 hanggang 29 pesos na kada kilo ng bigas.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Pinalawig din hanggang taong 2028 ang kasalukuyang taripa upang masiguro ang access at abot-kayang presyo ng mga pangunahing produkto, habang binabalanse ang interes ng mga mamimili at ng mga local producer.

Kabilang dito ang mababang taripa sa produktong mais, pork at mechanically-deboned meat.

Bukod dito, pinanatili naman ng NEDA Board ang taripa para sa iba’t ibang agriculture products, kabilang ang asukal, mga gulay tulad ng onion shallots, garlic, broccoli, carrots, cabbage, lettuce, kamote, kamoteng-kahoy, at coffee substitutes.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Pumayag din ang board na pagsamahin ang mga taripa sa ilang chemical at chemical products, textiles, machinery and transport equipment para sa mas mabisang pamamahala ng customs at mapabuti ang ease of doing business.

Gayundin ang rekomendasyon na bawasan ang taripa sa ilang kemikal at coal briquettes upang mapabuti ang seguridad sa enerhiya at mabawasan ang gastusin sa produksyon.