Pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo, muling naging panawagan ng isang transport group sa Naga City

NAGA CITY – Muling naging panawagan ng isang Transport Group sa Naga City sa Gobyerno Nasyonal na mababaan ang presyo produktong petrolyo matapos ang muling pagtaas nito sa P4.00 at inaasahan pang maging P21.00 hanggang sa Setyembre.

Sa panayam kay Javier Vinson, Van Driver, Tabaco-Naga City ang biyahe, sinabe nitong halos kasi sa isang Linggo nakaka-tatlo o dalawang biyahe lamang sila at sa isang biyahe sa isang araw nasa P900.00 lamang ang nai-uuwi nila sa pamilya kung saan kulang na kulang lalo na’t mahal pa ang mga bilihin.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Apektado ang kanilang kita lalo na sila pa ang nagpapagasolina. Sana aniya mabigyang pansin at bawasan ang buwis o kaya dagdagan ang pamasahe.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Nasa P186.60 ang pamasahe, nagbibigay naman sila ng diskwento sa mga estudyante, PWD at Senior Citizen basta’t may ID lamang.

Samantala, ang presyo ng Diesel ngayon sa Naga City P64.40-67.40, Unleaded P68.00 at sa Premium P69.20.