Isang lalaking empleyado kamakailan sa Kaposvar city, Hungary ang nabayaran ng kaniyang sahod na 367 times ng kaniyang suweldo na 92, 549 Hungarian Forint o HUF o aabot sa P14, 000.
Ito’ y dulot ng pagkakamali ng kaniyang employer na imbis Hugarian Forints ay euros currency ang naideposito nito sa account ng empleyado kung saan aabot sa halaagang P5.7 million.
Matapos na mapagtanto ito ng employer ay agad nitong kinausap at kinontak ang empleyado na ibalik nito ang sobrang pera.
Samantala, sinabi ng empleyado na wala umano siyang access sa kaniyang account.
Ito naman ang ginawan ng imbestigasyon kung saan, taliwas ang sinabi nito sa pahayag ng bangko ‘pagkat napag-alaman na nag-withdraw ito ng malaking halaga ng pera at inilipat umano ito sa iba pang account.
Sa ngayon, nahaharap sa criminal charges ang nasabing epleyado dahil ito’y may kinalaman sa paglabag sa batas at nasisante na rin umano sa kaniyang trabaho.
Pina-freeze din umano ng kompanya ang kaniyang bank account sa tulong ng Kaposyar District Prosecutor’s Office at naibalik muli ang 28 million HUF o aabot sa P4 million. |WENCY LISAY