Naga River revitalization program mas pinalawak pa para matiyak ang patuloy na pagkakaroon ng malinis na ilog lalo na ngayong paparating nang muli ang peñafrancia festival

NAGA CITY – Hindi nawala ang nasimulang Naga River Revitalization Program sa halip mas pinalawak pa ito sa pamamagitan ng mga revetment projects na ipinatutupad ng City Government.

Nakapalaman ito sa mga infrastructures program ng LGU-Naga, sa flood control system at ang revetment upang maiwasan ang anumang pagguho ng lupa sa tabi ng ilog na makakaapekto sa mga residenteng nasa paligid.

Read More:  Kanlaon erupts for three minutes, ashfall hits Canlaon city and nearby areas in Negros

Bukod diyan pagganitong may ginagawang development sa ilog, mas madali ng makabuo ng anumang tourism attraction activities, lalo na ngayong paparating na ang Peñafrancia Festival.

Ito ang inilabas na paliwanag sa Brigada News FM Naga ni City Councilor Jose Perez, Chairman ng Investment, Trade and Economic Enterprises at ng Tourism sa Konseho, kaugnay sa ginagawang mga patrabaho sa Naga River.

Read More:  Volunteer work, persistence mark Ilog man’s road to Army commission

Sa pahayag ni Perez, sinabi niyang nasa priority program ng office of the City Mayor ang ganitong mga programa pang turismo sa ilog, bagamat limitado din ang budget subalit dahan-dahang nangyayari.

May Bicol River Side Recreation Park na binubuo na isa sa pinagkakaabalahang mahanapan ng pondo sa National Government na makikita sa tabi ng mga shopping mall.