Pagbaba ng fee sa Permit to Carry Firearms ng media, pinag-aaralan ng PNP

Pinag-aaralan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapababa ng fee sa Permit to Carry Firearms (PTCF) ng miyembro ng media na posibleng maging kapresyo ng fee para sa mga tauhan ng gobyerno.

Ang usapin ay naungkat matapos ang isinagawang PNP Press Corps First Invitational Shootfest sa Camp Karingal, Quezon City, kahapon.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Ayon kay PNP, Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., suportado aniya niya ang pagdadala ng armas ng mga mamamahayag bilang proteksyon na rin sa banta sa kanilang buhay dala ng kanilang propesyon basta’t siguraduhin lamang na magiging responsable sa paggamit ng baril.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Bukod dito, bibigyan ng PNP ng accommodation sa pagkuha ng lisensya para makapagdala ng armas ang mga miyembro ng media.//AC | PNA PHOTO/JOAN BONDOC
#