Pagawaan ng pekeng vitamins, sinalakay ng NBI sa Pampanga

Sinalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang pabrika ng pekeng vitamins, na gumagamit ng washing machine sa paghahalo ng mga sangkap nito sa Arayat, Pampanga.

Isinagawa ang raid matapos ireklamo ang pabrika ng isang dating empleyado.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Gamit ang washing machine, pinaghahalo-halo ang mga asukal, food coloring, at food flavoring upang lumikha ng pekeng vitamin syrup para sa mga kabataan.

Napagalaman din na ang pekeng vitamins ay hindi lang laganap sa Central Luzon kung hindi pati na rin sa Visayas at Mindanao.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Nasamsam ng mga awtoridad ang pekeng syrup na nagkakahalaga ng P400,000. Inaresto na rin ang may-ari ng pabrika at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9711 o ang “Food and Drug Administration Act of 2009.”