DHSUD, may moratorium sa housing amortization ng mga biktima ng bagyong Kristine

Inatasan ni Department of Human Settlement and Urban Development Secretary Rizalino Acuzar ang lahat ng mga key shelter agencies na magpatupad ng moratorium sa housing amortization ng mga biktima ng bagyong Kristine.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Kabilang dito ang ay may hinuhulugang bahay sa ilalim ng Home Development Mutual Fund o PAGIBIG, National Housing Authority, Social Housing Finance Corporation at National Home Mortgage Finance Corporation.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Isang buwang hulog ang sakop ng moratorium.

Dagdag ni Acuzar, pagtalima nila ito sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na tulungang makabangon ang mga biktima ng kalamidad.