Pagasa, hindi isinasantabi ang posibilidad na mabuo bilang tropical cyclone ang LPA

Hindi pa inaasahang lalakas bilang tropical depression ang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Pero ayon sa Pagasa, hindi nila maisasantabi ang posibilidad na lalo pa itong lumakas sa mga susunod na araw.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Sa forecast ng weather bureau, lumalabas na ang kondisyon sa Pacific Ocean, kung saan naroon pa ang LPA ay nananatili paborable sa formation ng tropical cyclones.

Huling namataan naman ang LPA sa 1,615 kilometers silangan ng Mindanao, na malaki ang tsansa na pumasok ng ating area of responsibility sa Linggo.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Samantala, ngayong araw, mainit at maalinsangang panahon parin ang iiral sa malaking bahagi ng bansa dahil sa prevalence ng easterlies, bagama’t ang ilang bahagi ay maaring makaranas ng isolated rain showers. // MHEL PACIA