Tinatayang nasa higit apat punto isang milyong nakatatanda sa bansa ang makikinabang sa bagong batas na nagpapataas sa buwanang social pension para sa mga indigent senior citizens.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Atty. Franklin Quijano, ang chairman ng National Commission for the Elderly na nasa P15 billion ang nakalaang budget para sa ipapamahaging P1,000 na social pension ng mga senior citizens.
Kaugnay nito, inihayag ni Quijano na inaasahang sa susunod na taon ay maipapamahagi na ang mas mataas na halaga ng social pension.
Ipinaliwanag niya na hindi naman talaga ito naibibigay kaagad sa mga benepisyaryo dahil kailangang mayroon itong budgetary process na aprubado ng Kongreso.
Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang National Commission for the Elderly sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa implementasyon ng pension hike.
#