CAMARINES SUR- Asahan ang pag-uulan sa Camarines Sur ngayong Undas dahil sa Shearline at Low Pressure Area.
Sinabi ni PAGASA Camarines Sur Chief Meteorological Officer Fred Consulta , mag-ingat aniya ang mga tatawid sa dagat dahil sa pinalakas na Hanging Amihan. Pinag-iingat din ang mga nasa landslide prone areas.
Inabisuhan niyo ang publiko na magdala ng payong lalo na ang mga matatanda at bata.
Huling namataan ang LPA sa coastal waters of Caramoran, Catanduanes (14.1°N, 124.0°E).