Mga balota mula sa Coastal Area ng Lagonoy biniyahe sa gitna ng masungit na pahahon kahapon

CAMARINES SUR- Makulimlim na kalangitan hanggang sa malalakas na pag-uulan ang narasanan sa Camarines Sur kahapon dahil sa Shearline at Low Pressure Area.

Hindi rin naging payapa ang karagatan sa ilang bahagi ng probinsya.

Read More:  Cyclist injured after collision with LTO vehicle in Mandaue City, Cebu

Sa kabila nito sinikap ng mga guro na maibiyahe ang mga balota mula sa coastal ng Lagonoy, Camarines Sur partikular na Barangay Balaton patungo sa main land.

Ayon kay Commission on Election Officer Arnel Añonuevo, 11 na mga coastal barangays ang hinintay nila. Kayang-kaya naman dahil hindi  kalakihan ang alon.

Read More:  3 Vietnamese arrested over illegal dental practice in Cebu

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga tatawid ng dagat dahil sa Hanging Amihan na magdadala ng alon.