Pag-supply ng tubig sa Pio Duran, magtutuloy-tuloy hangga’t nasa tag-init

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Pio Duran, Albay na magtutuloy-tuloy ang pagsu-supply nila ng tubig hangga’t nasa tag-init.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay MDRRMO head Noel Ordoña, sinabi nito na tatlong barangay pa lang ngayon ang nasu-supplyan nila ng tubig, subalit sinisikap na nilang gawan ng paraan na mabigyan din ang ilan pang mga barangay na nangangailangan sa pangunguna ng kanilang loakl na pamahalaan.

Nilinaw din ni Ordoña na tubig na inumin at panligo lamang ang kaya nilang i-provide sa mga barangay at siniguro rin nitong safe ang tubig na ibinibigay nila sa mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *