8 nakabenepisyo sa EHAP sa Surallah

KORONADAL CITY – WALONG mga benepisyaryo ng Emergency Housing Assistance Program o EHAP sa bayan ng Surallah ang nakatanggap ng Financial Assistance mula sa National Housing Authority XII sa pamamagitan ng General Santos District Office.

Ang mga ito ay residente ng Barangay Naci at Barangay Lambontong na biktima ng sunog at malakas na buhos ng ulan at hangin. Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng tig P 10,000. Ang pondo para dito ay pinagsikapan ng tanggapan ni Senator Bong Go.

Maliban sa financial assistance, nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng give-aways katulad ng t-shirt at food packs mula sa senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *