Pag-subsidize ng gobyerno sa minimum wage increase, aaralin ng House panel

Sisilipin ng House Committee on Labor and Employment ang posibilidad na magpatupad ng “wage subsidy” upang pasanin ang taas-sahod ng mga manggagawa.

Ayon kay Committee Chairman at Rizal Representative Fidel Nograles, kailangang kunin ang panig ng economic managers kung kakayanin ng gobyerno na sagutin ang naturang subsidiya.

May mga sektor kasi aniya na pinalutang sa pagdinig ang ideya na i-subsidize ng pamahalaan ang panukalang wage hike.

Bukod sa subsidiya, sinabi ni Nograles na hahanap sila ng mga hakbang na makatutulong upang magkaroon ng win-win situation para sa lahat.

Sa pulong balitaan sa Kamara ay ipinaliwanag din ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas na kakayanin ng pamahalaan ang wage subsidy partikular para sa micro, small and medium enterprises.

Kailangan lang umanong ayusin ang alokasyon sa General Appropriations Act upang matulungan ang MSMEs na maaapektuhan ng taas-sahod samantalang ang malalaking korporasyon ay mayroon namang kakayahan.

Idinagdag pa ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel na hindi totoong maraming trabaho ang mawawala kapag naisabatas ang legislated wage hike dahil kung tutuusin ay nagtatanggal na sila ng mga manggagawa sa paggamit ng makabagong teknolohiya gaya ng artificial intelligence.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *