Pag-serve ng warrant of arrest, nauwi sa palitan ng bala

Nauwi sa palitan ng bala ang pagse-serve sana ng warrant of arrest ng kapulisan sa isang lalaki sa Barangay Jampang, Argao Cebu.

Nangyari ito bandang alas 05:00 ng umaga ng Martes, Agosto 20, 2024

Kinilala ang suspek si Jonathan Comaling, nahaharap ito sa kasong Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Sa imbestigasyon, nang napansin ng grupo ni Jonathan ang presensya ng kapulisan bigla itong nagpaputok.

Nakatakas sina Jonathan sakay ng motorsiklo, hinabol ito ng arresting team hanggang makarating sa liblib na area at iniwan ang kanilang motorsiklo.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story

Dead on arrival naman ang kasama nitong si Jay Rodel matapos mabaril.

Nakuha mula sa kanyang posisyon ang isang KG9 submachine gun. Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan.