“Fruits Eat All You Can” naging hakot all you can

Idinaan nalang sa katuwaan ang nangyaring hakutan ng prutas sa kakatapos lang na Timpupo Festival sa Kidapawan City, North Cotabato.

Ang iilang residente kasi, nagpaka-Sharon Cuneta sa “Fruits Eat All You Can” na libre para sa lahat.

Read More:  Man found handcuffed, tied inside septic tank in Davao City

May iba, sapul sa video ang pagtangay sa buong buwig ng saging.

Sa kabila nito, nagtapos ang kapiyestahan ng matagumpay at payapa.

Ayon sa LGU ng Kidapawan City, nararapat lamang na intindihin ang mga naghakot ng prutas at huwag agad husgahan.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Dahil sa nangyari, sa susunod na kapiyestahan posible ang gagawing dalawang section, isa sa eat all you can at isa para sa hakot all you can.