“Honesty is the best policy”, ito ang patuloy na paalala ng mga otoridad sa mga vendors ng iba’t ibang pampublikong pamilihan sa Cebu City.
Matapos pinasira ng Office of the City Markets ang nasamsam na mga depektosong timbangan sa harap ng Cebu City Hall, Lunes ng umaga, Agosto 19, 2024.
Layunin nito na protektahan ang mga mamimili mula sa mga mandaraya.
Ayon sa mga otoridad na magdadagdag sila ng random inspections sa mga pamilihan.
Ngunit sa kabila ng isyu ng pandaraya, nilinaw na mas marami pa rin umano ang mga tapat na nagtitinda.
Hinikayat naman ang mga mamimili na kung makaka-encounter ng daya sa timbangan, kaagad na mag-report sa kanilang tanggapan.