Pag-review sa 52 mula sa 7,000 drug-related cases, kinwestyon ng NUPL

Naniniwala si National Union on People’s Lawyers chair Neri Colmenares na gumawa ng “fatal admission” ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa war on drugs ng gobyerno.

Ipinunto ni Colmenares na tila ay inamin ng gobyerno na ang war on drugs ay isang state policy ng sistematikong umaatake sa mga sibilyan.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Ayon kay Colmenares, wala pa sa one-percent ng drug war ang isinailalim sa review ng Department of Justice.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Inihayag ito ni Colmenares matapos aprubahan ng International Criminal Court pre-trial chamber ang simula ng probe sa crimes against humanity sa Pilipinas na may koneksyon sa anti-drug war campaign