Pag-release ng COVID-19 allowances sa HCWs, pinamamadali na ni Sen. Go

Umapela si Senate Health Committee Chairperson Christopher “Bong” Go sa Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management (DBM) ng agarang pagbibigay ng mga allowances sa mga health workers.

Ito ay bilang nararapat na kapalit ng sakripisyo at buhay ng mga health workers lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Binigyang diin naman din niya na hindi pa officially lifted ang declaration of state of public health emergency.

Dagdag pa ni Go, bilang chairman ng Committee on Health at Committee on Finance ay mayroon silang 2023 national budget na P19.962 bilyon na allocated para sa public emergency benefits and allowances para sa mga healthcare and non-healthcare.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Naniniwala naman din si Go na malaki ang maitutulong ng pananatili ng Pilipinas sa state of public health emergency sa pagbibigay ng mga allowances sa health workers habang nandiyan pa ang panganib ng COVID-19.