Ikinalungkot ni Senator Francis Tolentino ang desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na payagang ipalabas sa bansa ang pelikulang “Barbie.”
Aniya, nalulungkot siya sa desisyon ng MTRCB dahil dapat sana ay sinunod nito at ng Department of Foreign Affairs ang suhestyong alisin na lamang ang kontrobersyal na eksena.
Sinabi ni Tolentino na natapat pa ang desisyon sa ika-7 Anibersaryo ng pagkapanalo ng bansa sa Arbitral Court na hindi kumikilala sa Nine-dash line ng China.

Samantala, iginiit naman ng MTRCB ng nagsagawa ito ng dalawang review session at konsultasyon sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang isang legal expert sa West Philippine Sea bago pa man ito magbigay ng go-signal para sa public viewing ng Hollywood film.
Binigyan nito ang pelikulang “Barbie” ng Parental Guidance (“PG”) rating, na nangangahulugang ang mga manonood na wala pang labintatlong (13) taong gulang ay dapat may kasamang mga magulang.//YMB