DFA, wi-nelcome ang pagsuporta ng ibang bansa sa Pilipinas sa West Philippine Sea

Nagpahayag ng suporta ang Estados Unidos sa Pilipinas kaugnay sa panghihimasok at panghaharas ng China sa foreign personnel na nagpapatrolya sa South China Sea.

Ayon kay US State Department spokesman Matthew Miller, muling pinagtitibay ng Washington ang patakarang ginawa nito noong nakaraang July 13, 2020, hinggil sa maritime claims sa South China Sea, kung saan tahasan nitong tinanggihan at sinabing labag sa batas ang pag-aangkin ng Beijing sa karamihan ng bahagi ng South China Sea.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Paliwanag ni Miller, patuloy anila nilang hinihimok ang Beijing na sumunod sa maritime laws na makikita sa 1982 Law of the Sea Convention.

Samantala, tiniyak naman ng US na magpapatuloy ito sa pakikipagtulungan sa mga kaalyado at kasosyo, partikular na sa Pilipinas, na isulong ang isang malaya at bukas na Indo-Pacific, na magbibigay daan para sa kapayapaan at paggalang sa internasyonal na batas.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Kaugnay nito, wi-nelcome naman ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang lahat ng mga statements mula sa iba’t ibang bansa para sumuporta sa legal na panalo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Aniya, kasabay ng paggunita ng ika-pitong anibersaryo ng ruling ngayong araw – naninidigan ang Pilipinas, katuwang ang mga sumuportang bansa, sa mapayapang dayalogo at peacefule settlement sa mga disputes sa pinagaagawang teritoryo.