Pag-produce ng Digital version ng national ID, prayoridad ngayon ng pamahalaan sa halip na physical ID

Tinututukan daw mismo ni Pangulong Bongbong Marcos ang completion ng National ID program sa bansa.

Ayon kay National Economic and Development Authority o NEDA Secretary Arsenio Balisacan, bagaman aminado silang nagkaroon ng pagka antala sa proyekto, sinusubukan naman nila itong tugunan sa ngayon.

Dagdag pa ng kalihim, dahil sa nangyaring pandemya kaya prayoridad na ngayon ng pamahalaan ang pag produce ng digital version ng National ID, sa halip na physical ID, para magamit na ito ng kahit sinong merong cellphone.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Mayroon na ngayong kasunduan sa pagitan ng Philippine Statistics Authority o PSA at DICT na ilipat ang probisyon ng digital ID sa kanilang ahensya, habang ang PSA ay magpapatuloy sa paggawa at pamamahagi ng physical ID, at target nilang makumpleto ito sa katapusan ng taon.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Napaka halaga raw kasi sa gobyerno na matapos ito dahil makakabawas ito ng malaki sa transaction cost sa gobyerno.

Tulad na lang anya sa pamimigay ng ayuda, dahil kapag meron nang national ID ang bawat Pilipino, madali nang matukoy ang karapat-dapat na magiging benepisyaryo ng mga programa at maiiwasan ang doble-dobleng entry ng mga beneficiaries.