Ni-lift na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ban sa pag-transfer ng Certificate of Public Convenience (CPC) na isang major requirement upang makakuha ng prangkisa para sa mga public utility vehicles (PUVs).
Ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz III, dalawa sa mga ng pag-lift sa Memorandum Circular 2023-027, o ang “Guidelines on the Transfer of Certificate of Public Convenience” ay ang pamamahagi ng tulong sa mga PUV drivers, at ang PUV Modernization Program.
Sinabi rin nito na kailangan nilang balansehin ang pagpapahintulot sa lehitimong CPC transfer at pigilan ang anumang uri ng pang-aabuso.
Sa ganitong paraan umano ay magiging mas madali ang pagdi-distribute ng tulong sa mga operators gaya ng Pantawid Pasada o Fuel Subsidy program ng pamahalaan, at mas magiging madali rin ang pagsali sa Public Utility Vehicle Modernization Program dahil maaari na ang mga itong mag-transfer at mag-register ng kanilang mga sasakyan nang mas mabilis.
Mababatid na sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular 2023-027, pinagbabawalan ang pagtanggap ng mga application for sale and transfer ng CPC sa harap ng mga ulat hinggil sa talamak na commercialization ng CPC ng umano’y mga buy-and-sell’ operators na nang-abuso at nang-hijack ng franchising process.