Planong pagbuo ng Nursing Advisory Council, sinang-ayunan ng ilang kongresista

Bukas ilang mga mambabatas sa mungkahi ni Health Sec. Ted Herbosa na bumuo ng Nursing Advisory Council.

Para kay ANAKALUSUGAN party-list Rep. Ray Reyes – maganda ang inisyatiba ng Kalihim, ngunit huwag pa rin kalimutan ang isa sa pinakadahilan ng kakulangan ng nurse sa bansa at ito ay dahil sa pasahod.

Sinabi naman House Committee on Civil Service and Professional Regulation chairperson Bohol Rep. Alexie Tutor na ang pagkakaroon ng naturang council at ang pagtatalaga ng isang Chief Nursing Officer ay makatutulong sa mas epektibong pagtugon sa problema sa sweldo ng public at private nurses.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Bilang ng mga nurses di pina-practice ang propesyon, pinabubusisi

Iminungkahi ni ANAKALUSUGAN Party-list Representative Ray Reyes na pag-aaralan ang sanhi ng pagdami ng bilang ng mga nurse na hindi nagagamit o prinapractice ang kanilang propesyon

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Batay sa datos ng Professional Regulations Commission, 53.55% ang Nursing board passers na active at nagpapractice ng Nursing profession.

Mas dapat umanong tutukan ng Department of Health (DOH) ang pag-hire sa mga unemployed nurses at ang mga inactive nurses para matugunan ang kakulangan ng nurse sa bansa. //Mercell Velila