Pag-dispose sa mga nakumpiskang droga sa Batangas – tiniyak ng DILG at PDEA

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kumpletong idi-dispose ang mahigit 1 toneladang iligal na drogang nakumpiska sa Alitagtag, Batangas.

Read More:  Government flags all shipments from Laos after ₱1.36-B shabu seizure

Ayon kay DILG Sec Benhur Abalos Jr., ipaalam nila agad sa media sa oras na susunugin na nila ang naturang droga.

Siniguro naman ni Assistant Secretary Renato Gumban na equipped ng CCTV camera ang kanilang storage kaya’t hindi maggagalaw ang mga ilegal na droga.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Una nang sinabi ni Abalos na kung siya ang masusunod ay agad na nitong susunugin at hindi na papatagalin pang nakaimbak ang mga nakumpiskang droga.