Pag-decriminalize sa abortion at pag-legalized ng divorce sa PH isinulong UN human right experts

Nanawagan ang United Nations Human Rights Committee sa gobyerno ng Pilipinas, ang pinakamalaking Catholic country sa Asya, na i-decriminalize ang abortion at isulong ang pagsasalegal sa deborsyo.

Sa kanilang concluding observation sa 136th session kamakailan, sinabi ng panel na ang criminalization ng abortion sa bansa, ay magbibigay daan para iwasan ng mga babae ang abortion services na mapanganib sa kanilang buhay at kalusugan.

Read More:  Marcoleta urges caution in blaming GoreBox for school shooting

Mababatid na sa ilalim ng Revised Penal Code, ban sa Pilipinas at kinakasuhan ang mga nagsasagawa ng abortion.

Kaugnay nito, inirekomenda rin ng komite sa national government na palakasin ang sexual at reproduction healthcare services, kabilang na ang post-abortion care.

Read More:  PNP says it will arrest Bato dela Rosa if he appears at impeachment trial

Hinihimok din ng grupo ang pagpapatupad sa comprehensive sexual education para pigilan ang unwanted pregnancies.