Ex-NTF adviser, hinimok ang Marcos admin na iprayuridad ang kalusugan at kaligtasan ng publiko

Hinimok ng health reform advocate ang national government na protektahan ang mga tao sa gitna ng nagpapatuloy na Covid-19 health crisis.

Babala ni dating Special Adviser to the National Task Force against Covid-19 Dr. Anthony “Tony” Leachon, posibleng magkaroon ng “gloomy Christmas,” kasabay ng pag-gigiit na ang mga kaso ng Covid-19 sa bansa ay posibleng tumaas dahil sa pagpapatupad ng mas maluwag na Covid-19 measures.

Read More:  Romualdez camp denies role in Guteza recantation

Ang pahayag ni Leachon ay matapos na payagan ng administrasyon ang boluntaryong pagsusuot ng face masks sa outdoor at indoor spaces, maliban sa mga healthcare facilities, medical transport vehicles, at public transportation.

Read More:  House eyes higher DepEd Budget for 2027 school security after Ateneo de Zamboanga shooting

Pero sa mga matatanda, individuals with comorbidities, immunocompromised, buntis at unvaccinated population, maging ang symptomatic individuals, ay obligado parin na magsuot ng facemask.

Sa gitna ng pagpapatupad ng mas maluwag na measures, nananatiling mababa ang Covid-19 booster rate sa 20,604,431 as of Nov. 2.