Biden at Trump nagsagawa ng magkahiwalay na political rally sa Amerika

Nagsagawa ng magkahiwalay na political rally sina US President Joe Biden at dating pangulong Donald Trump sa New York at Florida, upang hikayatin ang mga botante dalawang araw bago ang isang mahigpit na midterm election kung saan itinutulak ng mga Republicans na madomina ang parehong kamara ng Kongreso.

Lumabas kasi sa isang non-partisan survey na heavy favorite ang Republicans upang manalo sa dalawang kapulungan ng kongreso.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Ang kontrol ng kahit isang chamber ay magbibigay-daan sa mga Republican na pigilan ang legislative agenda ni Democrat Biden at maglunsad ng mga pagsisiyasat.

Sa nakalipas na mga linggo, ang momentum ay lumipat patungo sa mga Republican dahil sa mga alalahanin ng mga botante tungkol sa inflation at krimen.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Una nang nagpahayag ng kumpiyansa si Republican National Committee Chairwoman Ronna McDaniel na ang kanyang partido ay mananalo sa parehong kapulungan ng Kongreso kasunod ng kanyang speech na tumatalakay sa patuloy na pagtaas ng inflation.