Tinitingnan ngayon ng pulisya ang anggulong mistaken identity sa kaso ng pamamaril sa photojournalist na si Joshua Abiad at kanyang tatlong kaanak sa Quezon city kamakailan.
Ayon kay QCPD Director PBGen. Nick Torre III, nasasangkot daw kasi ang bayaw nito na isang big time contractor sa alitan sa kanyang mga business partners.
Napag-alaman na hindi pagmamay-ari ni Abiad ang kotse na kanyang ginamit nang mangyari ang insidente.

Samantala, tatlong suspek ang tinitingnan ng pulisya sa nangyaring pamamaril, kung saan dalawa rito ay gunmen at isang motorcycle rider na nagsilbing spotter.//CA, edited MHEL PACIA