Pag-aalaga ng oyster mushroom, pinagkakaabalahan ngayon ng mga kabataan ng Brgy. Batang sa bayan ng Irosin

Pinagkakaabalahan ngayong ng mga kabataan ng Brgy. Batang sa bayan ng Irosin, Sorsogon ang pag aalaga ng mga oyster mushroom sa kanilang farm na itinayo nila simula pa noong 2021.

Ayon sa mga kabataan, naisipan nilang mag culture ng oyster mushroom noong maraming mga kabataan sa kanilang barangay ang walang trabaho dahil sa pandemic.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ito aniya ang napili nilang itanim dahil malaki ang potensyal na mapalago nila ito at maraming mapagkukunan nito sa kanilang lugar.

Mas masarap din umano itong alternatibo sa karne lalong-lalo na sa mga nagbabawas ng timbang.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ngayon, nakatutulong na umano sila sa mga pangangailangan sa kanilang bahay.

Sa kasalukuyan, merong na silang 150 substrate na gawa sa dayami, saw dust, apog, ipa ng palay, at asukal na nagtatagal ng 4 na buwan at nakakapag -ani na sila ng halos isang kilo sa bawat araw.