Padilla -Ascutia tandem sa 2022 election inanunsyo na

CAMARINES NORTE – Kasabay ng pamimigay ng relief assistance para sa mga Job Order Employees sa bayan ng Labo ay pormal ng inanunsyo ang pagkandidato bilang Gobernador ng lalawigan ng Camarines Norte ni Dating Jose Panganiban Mayor  Ricarte “Dong” Padilla

Sa ibinigay na mensahe ni Padilla ay kinumpirma nito ang kanyang pagtakbo bilang Gobernador

“Ako po ay tatakbo bilang Gobernador,  simple lamang ang iiwan namin sa inyo hindi po pangako bagkus ito ay sumpa sa inyo, sa harap po ng plazang ito kung saan ang kinamatayan ng aking ama ako po ay nanunumpa sa inyo na kung ano po ang mali sa lalawigan ng Camarines Norte itutuwid po natin, kung ano po ang pagaabuso na tinatangap po natin ngayon puputolin po natin at kung mayroon man pong kulang yon po ay pupunuan natin.”

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Makakasama ni Padilla si Mayor Joseph Ascutia ng Labo bilang Bise Gobernador at si dating Congresswoman Dra. Cathy Reyes na tatakbo bilang representative ng 1st District.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Kung matatandaan nabawasan ng araw ng pagpasok ng mga Job order employees dahil sa hindi pagapruba ng Sangguniang Panlalawigan sa annual budget ng LGU Labo

Samantala, inaantabayanan ngayon ng Brigada news FM Daet ang ipapalabas na kumpletong line-up ng Padila- Ascutia Tandem

(Photo courtesy: Ora Mismo)