Inihayag ni Senador Robinhood Padilla na dapat maging wake-up call para sa gobyerno at sa publiko ang nangyaring malakas na lindol sa Abra para palakasin ang local disaster resilience mechanism ng bansa.
Ayon kay Senador Padilla, napapanahon na para mas palakasin pa ang regional disaster response.
Aniya, dapat na bigyan ng sapat at nararapat na pondo ang mga ito nang sa gayon ay may kakayahan silang rumesponde agad sa mga ganitong uri ng sitwasyon.
Ipinaliwanag niya na ang pagresponde sa mga kalamidad ay nakadepende sa kung saang teritoryo at kung sinong mga opisyal ang naroroon sa lugar.
Mungkahi pa ng Senador, hayaan daw sana na magdesisyon ang mga regional offices kapag ganitong panahon ng sakuna o kalamidad.
Samantala, ibinahagi rin ng mambabatas na kahit pa may tiwala siya sa building ng Senado na hindi ito bibigay dahil sa lindol, nagawa pa rin niyang mag-evacuate.(CLAY MARQUEZ)
#