DepEd, nakatakda nang magsagawa ng assessment sa mga paaralang napinsala ng lindol

Nakatakda nang magkaroon ng assessment ang Department of Education para sa paaralan na nawasak dahil sa paglindol sa Abra kaninang umaga lalo na’t nalalapit na ang pasukan

Sa joint press-conference ng DepEd at ng Office of the Vice President, sinabi ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa na mino-monitor na nila ang mga paaralan sa mga apektadong lugar ng lindol.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Mayroon daw kasing nakarating sa kanialng tanggapan na mga school facilities na nakitaan ng damage partikular sa Abra at sa Vigan.

Samantala, sinabi naman ni Atty. Reynold Munsayac, tagapagsalita ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte na bukas ang OVP para sa mga nais humingi ng tulong.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Kabilang sa mga iniaalok ng OVP ay ang burial at medical assistance kaya maaari ring lumapit dito ang mga apektado ng lindol.
#