DND, inatasan na ang AFP na i-mobilize ang assets para tumulong sa quake-hit areas

Inatasan na ng Department of National Defense (DND) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na i-mobilize ang lahat ng kanilang asset para tumulong sa mga komunidad at lugar na lubhang naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Abra.

Ayon kay DND Undersecretary Jose Faustino Jr., inabisuhan na niya ang mga Regional DRRM Councils na magtutungo na sa kanilang lugar ang mga tauhan ng AFP para maghatid ng iba’t-ibang pangangailangan at tulong.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Kaugnay nito, iniulat din ni Faustino na nakipag-usap na ang Office of Civil Defense sa mga regional offices nito para sa damage assessment at koordinasyon kaugnay sa deployment ng response operations.

Bukod dito ay nakapulong na rin ni Faustino sa mga RDRRMCs ng Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera, Central Luzon, and the National Capital Region para talakayin ang iba pang posible nilang magiging hakbang sa pagtugon sa mga apektado ng lindol.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Ayon kay Faustino sa oras na makarating na sa area ang mga tauhan ng AFP ay agad ang mga itong tutulong sa local operations ng mga LGU’s.(CLAY MARQUEZ)
#