Pacquiao, target ang pagbabalik sa boxing sa isang Saudi exhibition fight

Inihayag ni Manny Pacquiao na ikinokonsidera niya ang isang exhibition fight sa Saudi Arabia sa Enero.

Si Pacquaio ay nagretiro mula sa boxing noong nakaraang taon, nang sumabak ito sa presidential race.

Kaugnay nito, magsasagawa ng pag-uusap ang 43-anyos na legendary former world champion, para sa laban kontra kay French former sparring partner Jaber Zayani sa Riyadh.

Ayon sa pambansang kamao, maghahanda umano siya kapareho sa ginagawa niyang training para sa totoong laban.

Ibinahagi rin nito, na ang kanyang charity match laban kay martial arts YouTuber DK Yoo sa December 10 ay mangyayari sa Seoul.

Ang anim na rounds na laban ay walang pinagkasunduang weight limit, dahilan para maging physical disadvantage ito kay Pacquiao laban sa mas malaking si Yoo.