Border control points sa Naga City laban sa ASF, pag-uusapan kasunod ng kaso sa Sorsogon

NAGA CITY- Pag-uusapan ngayong araw ang posibilidad nang pagkakaroon ng border control points sa Naga City laban sa pagkalat ng African Swine Fever.

Ito ay kaugnay ng kasong nitala sa Sta. Magdalena, Sorsogon habang nagpupulong naman ang Albay Provincial Veterinary Office sa susunod na hakbang.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni City Veterinarian Dr. Junius Elad na magpupulong sila pero sa tingin ni Elad mahirap na magkaroon ng control point tulad noon lalo pa’t abala ang mga personaheng itatalaga sa mga aktibidad may kaugnayan sa Peñafrancia Festival. Kung hindi man aniya ay hihigpitan na lamang ang pagtingin sa hinihinging mga dokumento bago katayin sa slaughter house.

Read More:  CPSU’s innovation drive earns place among world’s top universities

Para naman kay Boboy Halcon, Deputized Meat Inspector ng National Meat Inspection Services/ City Veterinary Office, kailangan ang pag-iingat upang hindi tamaan muli ang hog industry pero sa tingin niya hindi na kakalat sa lungsod ang virus dahil karamihan sa mga negosyante ay sa mga karatig bayan sa Camarines Sur kumukuha ng buhay na baboy.