P93.4-M na halaga ng farm inputs, ibinigay sa mga magsasaka sa Isabela na apektado ng El Niño

Nakatanggap ng iba’t-ibang agricultural intervention na nagkakahalaga ng P93.4 Million mula sa DA Cagayan Valley Research Center ang mga magsasaka sa Isabela na naapektuhan ng El Niño phenomenon.

Inihayag ni Regional Technical Director for Operations Roberto C. Busania na kabilang sa mga ibinigay na tulong ay rice at corn seeds, inorganic fertilizers, open source pumps at fuel subsidy.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Aniya, inaasahang ang mga ibinigay na tulong ay maging daan upang maibsan ang matinding epekto ng tagtuyo sa mga magsasaka at mangingisda dahil Malaki aniya ang kontribusyon ng mga kooperatiba, asosasyon g mga magsasaka at LGU sa sektor ng agrikultura sa Isabela.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Nagbigay naman ng P474.5 Million na halaga ng agricultural insurance sa Isabela ang Philippine Crop Insurance Corporation Region 02 sa ilalim ng Registry System for Basic Sector in Agriculture at Agri-Agra Law Program.