Aabot sa 90 million pesos na halaga ng pananim na marijuana ang sinira ng mga otoridad sa Tinglayan, Kalinga.
Ayon sa Kalinga Police Provincial Office, ito ay bunga ng dalawang araw na big-time eradication ng magkatuwang na pwersa ng Police Regional Office-Cordillera at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nadiskubre ng mga operatiba ang anim na plantasyon ng marijuana sa Brgy. Loccong at Brgy.Butbut Proper sa nabanggit na bayan.
Binunot at sinunog ang nasa 280, 000 na piraso ng fully grown marijuana plants (FGMP) na nagkakahalaga ng 56 million pesos sa Barangay Loccong.
Narekober din sa lugar ang 150 kilos ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga naman ng 18 million pesos.
Habang aabot naman sa 80, 000 na piraso ng FGMP na tinatayang 16 million pesos ang halaga ang sinira sa Butbut Proper, Tinglayan.
Wala namang cultivator o mga nasa likod ng naturang plantasyon ang nahuli gayunman patuloy pa rin ang imbestigasyon dito ng kapulisan upang matukoy ang mga posibleng salarin.
Photo/KPPO