Tinatayang aabot sa mahigit labingwalong milyon ang halaga ng iligal na droga, ang nasabat sa iba’t-ibang operasyon ng mga awtoridad sa buong CALABARZON, para sa buwan ng Hunyo 2024.
Ayon sa PRO-4A, sa animnaraan at pitumpu’t limang operasyon laban sa iligal na droga, naaresto nila ang nasa walong daan at pitumpu’t limang indibidwal.
Sa kabuuan, nasabat nila ang nasa 2,616.53 na gramo ng shabu at 2,177.30 na gramo ng marijuana at angkakahala ang mga ito ng P18,053,680.
Pawang nakakulong na ang mga naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,
Sa ngayon ay patuloy parin ang kampanya ng mga awtoridad laban sa iligal na droga upang sugpuin ang kriminalidad sa bansa.