BNFM Bicol- NAKAMTAN ng Department of Health (DOH) Bicol ang 92% treatment success rate sa kabuuang 7,008 na mga drug-sensitive cases ng Tuberculosis sa unang kwarter ng taon.
Ito ay binigyang diin ni Dr. Rodolfo Antonio Albornoz, regional director ng DOH-Bicol sa naganap na “Kapihan sa Bagong Pilipinas” nitong nakaraang Martes, Hunyo 2, sa Bicol Medical Center (BMC), Naga City.
Samantala, ayon sa ahensya, kasama umano ang paggamot sa TB sa ipinapatupad na 8-point health action agenda for the Universal Health Care sa rehiyon. Ito ang TB/HIV, pagbabakuna, WASH (water, sanitation, and hygiene), road safety, hypertension and diabetes, cancer, nutrisyon, at maternal health. ### Nico Mercialess, Intern
Photo from BMC-DOH