P75K na halaga ng droga, nasabat sa umano’y tulak sa Laguna

Arestado ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Villa Gracia, Barangay Calios, Santa Cruz, Laguna.

Kinilala ang suspek na si Arnold Cabigan, 49 anyos, tricycle driver at residente ng Barangay, Calios, Sta Cruz, Laguna.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon sa imbestigasyon ng Sta. Cruz Municipal Police Station (MPS), narekober mula sa suspek ang pitong pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang Shabu na nagkakahalaga ng 75,000 pesos, isang pitaka na may lamang 500 pesos at 1,000 pesos na buy-bust money.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang nasabing suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.